Huwebes, Pebrero 21, 2013

MALIGAYANG PAGDATING!




Maligayang pagdating! Ang blog na ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga sikat at kaakit-akit na mga pagkain at personalidad na ipinagmamalaki ng Laguna.

Huwag kayong mahiya na iparating ang inyong mga komento, suhestiyon at saloobin dito sa blog na ito, dahil kailangan rin namin iyon. Ngayon palang ay kami'y nagpapasalamat na ng husto kung ito'y binabasa mo. Sana ay maantig namin ang iyong damdamin...

COMMENT AT LIKE NA RIN PO. =))  *magpapa-cute* :)

~belle.rochelle.agata.sam.jao.christian





Bakit nga ba Laguna ang laging una?





 Hindi lahat ng lugar ay may nanahang sikat na personalidad at katakam-takam na pagkain. Ang dalawang aspetong ito ang umaakit sa mga tao at turista. Ating silipin ang mga pinagmamalaki ng Laguna...

Espasol. Sa sarap ay nakakabulol =)

ESPASOL

Ang espasol ay isang kakanin na hugis pahaba. Gawa ito sa niyog at malagkit na bigas. Isa ang espasol sa mga kinaaadikan ng mga sambayanan. Sikat rin itong pasalubong ng mga bakasyonista sa mga naiwan sa kanilang tahanan. 

Buko Pie. Mapapa-"oh my, my" ka sa sarap =)


BUKO PIE




Kapag tayo’y pumupunta sa probinsya, lagi tayong may bitbit na buko pie, minsan masarap, minsan hindi. Ibahin natin ang nasa Laguna. Naririto ang pinaka-orihinal at puno ng buko sa lahat. Gawa ito sa dough, buko, gatas at asukal. Kadalasan rin itong nilalagyan ng flavor katulad ng pandan. Gugustuhin ito ng lahat, gutom man o busog!