Biyernes, Marso 1, 2013
Huwebes, Pebrero 21, 2013
MALIGAYANG PAGDATING!
Maligayang pagdating! Ang
blog na ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga sikat at kaakit-akit na mga
pagkain at personalidad na ipinagmamalaki ng Laguna.
Huwag kayong mahiya na iparating ang inyong mga komento,
suhestiyon at saloobin dito sa blog na ito, dahil kailangan rin namin iyon. Ngayon palang ay kami'y nagpapasalamat na ng husto kung ito'y binabasa mo. Sana ay maantig namin ang iyong damdamin...
COMMENT AT LIKE NA RIN PO. =)) *magpapa-cute* :)
~belle.rochelle.agata.sam.jao.christian
COMMENT AT LIKE NA RIN PO. =)) *magpapa-cute* :)
~belle.rochelle.agata.sam.jao.christian
Espasol. Sa sarap ay nakakabulol =)
ESPASOL
Ang espasol ay isang kakanin na hugis pahaba. Gawa ito sa niyog
at malagkit na bigas. Isa ang espasol sa mga kinaaadikan ng mga sambayanan.
Sikat rin itong pasalubong ng mga bakasyonista sa mga naiwan sa kanilang
tahanan.
Buko Pie. Mapapa-"oh my, my" ka sa sarap =)
BUKO PIE
Kapag tayo’y pumupunta sa probinsya, lagi tayong may
bitbit na buko pie, minsan masarap, minsan hindi. Ibahin natin ang nasa Laguna.
Naririto ang pinaka-orihinal at puno ng buko sa lahat. Gawa ito sa dough, buko,
gatas at asukal. Kadalasan rin itong nilalagyan ng flavor katulad ng pandan.
Gugustuhin ito ng lahat, gutom man o busog!
Bibingka. Sa tiyan, ito ang tama =)
BIBINGKA
Karaniwang tuwing panahon lang Kapaskuhan, nauuso ang bibingka. Pero sa Laguna,
kahit araw-araw, pwede mong malasahan ang sarap ng bibingka.
Ito ay gawa sa malagkit na bigas o galapong, gatas ng niyog at itlog na maalat. Niluluto ito ng patong-patong. Bago naman kinakain, ay pinapahiran ng mantekilya o keso. Masarap, hindi ba?
Ang kwento ng mga sikat.
Maraming nagkalat na talentadong tao sa bansa. Pinagpala naman ang probinsya ng Laguna dahil doon nananahan ang ilang sikat na personalidad na tinitingala ng mga mamamayan.
Dito tayo kay Palito! Isang hiwaga ng komedya =)
PALITO
Isa sa mga sikat ay si Reynaldo Alfredo R. Hipolito Sr., kilala sa tawag na Palito. Lumaki siya sa Calamba, Laguna. Siya ay nanguna sa pagpapatawa noong 1960’s. Nagkaroon siya ng humigit kumulang anim na pung palabas na pinanood ng maraming Pilipino. Naging madalas na kasama niya sina Dolphy, at iba pang hari ng komedya para magbigay ng ngiti at ligaya sa mga tao- nalulumbay man o hindi.
Billards: "Volcano" Alcano Rules! =)
Ronato "The Volcano" Alcano
Pagdating naman sa karera ng isports, si Ronato Alcano o mas kilala sa “The
Volcano” sa bilyards. Tubong Calamba rin siya. Ang kanyang hindi pagtatapos ng sekundarya ang naging dahilan niya sa paglalaro.
Sa kabila nito, marami ang humanga sa kanya sa galing at tagumpay niya sa bilyards.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)